Hindi bakasyon ang training ng Gilas

MANILA, Philippines - Mananatili ang Gilas Pilipinas sa seaside resort town ng Palanga sa kanilang two-week boot camp sa Lithuania.

Ngunit ito ay hindi isang picnic o bakasyon.

Isang twice-a-day practice ang naghihintay sa Philippine National team bilang paghahanda sa FIBA-Asia Champion-ships sa Moa Arena sa Agosto 1-11.

Ang mga laro ng Gilas ay laban sa mga Lithua-nian squads na ayon kay coach Chot Reyes ay gagamitin niya para sa kanilang bonding at training exercise.

Umalis ang grupo sa Manila noong Linggo ng gabi patungong Palanga via Bangkok at Copenhagen. 

Sinabi ni team manager Butch Antonio na isang 23-hour journey, kasama dito ang dalawang layovers, ang kanilang nilakbay bago dumating sa Palanga. 

Sina Reyes at Antonio ang nangunguna sa tropa kasama sina assistant coaches Joseph Uichico at Josh Reyes.

Ang 12 players sa de-legation ay sina Marcus Douthit, JuneMar Fajardo, Marc Pingris, Jimmy Alapag, Jayson Castro, Gabe Norwood, Jeff Chan, L. A. Tenorio, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier, Gary David at Japeth Aguilar.

Ang Palanga ay nasa Baltic Sea coast sa western Lithuania at maninirahan ang Filipino contingent sa Hotel Vanagupe na isang five-star confe-rence at spa center.

Nag-apply si Beau Belga para sa kanyang Schengen visa sa Austrian Embassy kahapon ng umaga. 

Sinabi ni Antonio na matapos makuha ni Belga ang kanyang bisa ay agad siyang kukuha ng flight papunta sa Lithuania na isa sa 26 European nations na may common visa policy.

“I was told to wait for an e-mail advice on my visa,” sabi ni Belga sa The Star.  “If I get the visa in the morning, I’ll leave later that night.  Miss Maureen Tan of the travel agency asked me to be ready to leave as soon as the visa is approved.” 

Ang mga assistant coaches ni Reyes na sina Norman Black, Ryan Gregorio at Nash Racela ay naiwan sa Manila para dumalo sa FIBA-Asia draw sa Hunyo 6.

 

Show comments