San Miguel Beer malaki ang pag-asa sa Warriors
MANILA, Philippines - Kailangan ng San Miguel Beer na makahugot ng magandang laro sa kanilang mga guards para tumibay ang paghahabol na talunin ang Indonesia Warriors sa ASEAN Basketball League finals na magbubukas sa Hunyo 7 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kumpiyansa si Beermen coach Leo Austria na makakasabay sa ilalim ang kanyang koponan lalo pa’t walang 7-footer import ang Warriors tulad ng Sports Rev Thailand Slammers na kanilang tinalo sa semifinals sa 3-1.
“Our big men can match up well against their big men. In fact, I feel we have the slight advantage in this area,†wika ni Austria.
Sina Steve Thomas at Chris Daniels ang puwersa sa ilalim ng Warriors kumpara kina Brian at Justin Williams bukod pa kina Asi Taulava at Erik Menk ng Beermen.
Pero lamang ang nagdedepensang kampeon sa guard spot dahil kay Fil-Am Stanley Pringle.
“Pringle is the main factor for the Warriors because everytime he’s on the court, he really dictates the tempo of the game. That’s why he’s a major concern for me whenever he has the ball,†ani ni Austria.
Dahil dito, dapat na lumabas ang tunay na galing nina Fil-Am Chris Banchero, Paulo Hubalde at Jeric Fortuna hindi lamang sa opensa kungdi maging sa depensa para malimitahan ang produksyon ni Pringle.
Bukod kay Pringle, naririyan din sina Mario Wuysang at Jerick Canada para tumulong sa pagpuntos mula sa guard spot.
Dahil hawak ang homecourt advantage matapos maging number one team sa elimination round, ang Game Two ay gagawin pa rin sa Ynares sa Hunyo 9.
Matapos ito, lilipat sa Mahaka Square ang Games Three at Four sa Hunyo 12 at 15 habang ang deciding Game Five ay sa Hunyo 19 sa Ynares.
- Latest