Winner ng Pacquiao-Rios at Marquez-Bradley fight paghaharapin din

MANILA, Philippines - Balak ng Top Rank at Zanfer Promotions na pagharapin ang mananalo sa laban nina Manny Pacquiao at Brandom Rios sa Nobyembre 23 at sa upakan nina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley, Jr. sa Oktubre 12.

Ngunit muling sinabi ni Marquez na hindi na niya lalabanan si Pacquiao sa pang-limang pagkakataon sa 2014.

Ayon sa 39-anyos na si Marquez, hindi na niya iniisip ang muling pakikipagharap niya sa 34-anyos na si Pacquiao.

“Speaking sincerely, I don’t think about that anymore,” wika ni Marquez sa panayam ng ESPN.com kahapon. “Anything that was pending was settled, in every way. If he would have knocked me out the way I did to him, how am I going to ask for another fight?”

Pinatumba ni Marquez si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na pagkikita noong Disyembre 8, 2012 sa Las Vegas, Nevada.

“Keeping that feeling would be grandiose, and to have my Mexican supporters and the whole world enjoy that feeling and say, ‘Remember the best pound-for-pound fighter that was knocked out by Juan Manuel Marquez?’ -- to me, that is worth more than all the money in the world,” ani Marquez.

Sa kanyang pagtanggi na labanan si Pacquiao, hinamon naman ni Marquez si Bradley para sa suot nitong World Boxing Organization welterweight crown.

Ang nasabing titulo ang inagaw ni Bradley kay Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hun-yo 9, 2012.

Hangad ng Mexican fighter ang kanyang pang- limang world boxing belt sa pagsagupa kay Bradley.

Lalabanan naman ni Pacquiao ang 27-anyos na si Rios sa isang non-title, welterweight bout sa Nobyembre 23 (Nobyembre 24 sa United States) sa The Venetian sa Macau, China.

Show comments