Bagong record itinala ng anak ng SEAG campaigner
MANILA, Philippines - Isang anak ng dating Southeast Asian Games campaigner ang gumawa ng ingay sa junior men’s pole vault, habang natalo naman ang isang Olympic Games veteran sa kanyang kakampi sa long distance event sa pagtatapos ng 2013 PSC-POC national Games kahapon.
Nagposte si Ernest John Obiena ng Ateneo ng bagong National mark sa junior men’s pole vault mula sa kanyang inihagis na 4.54 metro para si-rain ang dating 4.50m na kanyang itinala sa 2012 UAAP season.
Si Obiena ay anak ng two-time Southeast Asian Games pole vault bronze medalist na si Emerson.
Sinikwat naman ni Fil-Am Caleb Montecalvo ang gintong medalya sa men’s elite pole vault mula sa kanyang hagis na 4.80m at nabigong burahin ang National record na 5.00m na itinala ni Eduard Lasquete sa 1992 Barcelona Olympics.
Sinamantala ni Domingo Cabradille ng Jose Rizal University ang hindi paglalaro ni Fil-Am Eric Cray, sumira ng kanyang sariling marka sa men’s 110m hurdles, para maghari sa 200m hurdles sa kanyang bilis na 52.19.
Ginulantang naman ni Rafael Poliquit, nauna nang kinuha ang ginto sa 5,000m run noong Martes, si Olympian Eduar-do Buenavista sa men’s 10,000m run mula sa inilistang oras na 32.02.49.
Pumangalawa si Bue-navista (32.02.75) kasunod si Eric Panique (32.55.39).
Sinikwat ni Jessa Mangsat, nagtala ng bagong record sa women’s ang 3,000m steeplechase, ang kanyang ikalawang ginto nang magreyna sa 10,000m sa likod ng kanyang tiyempong 39.23.29.
Sa boxing sa RMSC, inangkin ni 2010 Asian Games gold medalist Rey Saludar ng Philippine Army ang gold sa flyweight division nang talunin si Gerson Nietes, 21-17 ng Air Force.
Pinayukod naman ni 2012 World Youth champion Eumir Felix Marcial ng Zamboanga si Darwin Tindahan, 28-10 ng Air Force para makuha ang gold medal sa light welterweight class.
- Latest