La Salle Green Archers dadalawahan ang Ateneo Blue Eagles sa ‘Dream Game’ ngayon

LARO NGAYON

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

6:30 p.m. La Salle vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Maliban sa offensive po­wer ng La Salle, may isa pang problema ang Ate­neo sa kanilang ikala­wang annual ‘Dream Game’ showdown nga­yong gabi sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

“Well, I don’t know what shape or condition our players are in,” sabi ni Sandy Arespacochaga, ga­gabay sa Blue Eagles sa kanilang pagsagupa sa Green Archers sa ganap na alas-6:30 ng gabi tampok ang mga alumni ng da­lawang eskuwelahan na naglalaro sa PBA.

Hindi maglalaro sina LA Tenorio, Larry Fonacier at Japeth Aguilar pa­ra sa Katipunan-based squad at reigning UAAP men’s champion.

Hinugot ng Ateneo si­na PBA rookies Chris Tiu at Eman Monfort.

Muli ring aasahan ng Blue Eagles sina Rabeh Al-Hussaini, Nonoy Bac­­lao, Eric Salamat, JC In­­tal, Doug Kramer, Enri­co Villanueva, Wesley Gon­­zales, Rich Alvarez, Pao­­lo Bugia at Magnum Mem­brere.

Tinalo ng Green Archers ang Blue Eagles, 117-104, noong nakaraang taon sa Smart-Araneta Coliseum.   

Si Don Allado ang mu­ling babandera para sa La Salle ma­liban pa kina Jo­seph Yeo, Mac Mac Car­dona, Mike Cortez, Ren-Ren Ri­tualo, Rico Maierhofer, Ryan Araña, Carlo Sharma, Willy Wilson at TY Tang.

 

Show comments