Army kinuha ang mga ginto sa volleyball

MANILA, Philippines - Inangkin ng Philippine Air Force ang mga gin­tong medalya sa men’s at wo­men’s volley­ball com­pe­tition ng 2013 PSC-POC National Games ka­hapon sa Ninoy Aquino Sta­dium.

Tinalo ng Armymen ang National University, 25-22, 25-20, 19-25, 25-22, para pitasin ang gold me­dal sa men’s division.

Pinayukod naman ng Armywomen ang Caga­yan Valley Bomberinas, 21-25, 25-19, 26-24, 25-18, sa women’s class.

Sinamantala nina Joy Ca­ses at ng kanyang mga Air Force teammates ang hindi paglalaro nina 6-foot-4 Dindin at 6’2 Jaja Santiago para talunin ang Bomberinas, nakatakdang sumabak sa Southeast Asian zonal qualifier sa Hul­yo patungo sa 2014 FI­VB Women’s World Cham­pionships.

Maliban sa magkapatid na Santiago, wala rin sa tropa ng Bomberinas si­na setter Rubie De Leon at Ivy Perez.

 Sina De Leon at Perez ay maglalaro para sa Na­tio­nal University kontra sa Ateneo sa Shakey’s V-League Finals.

Nasa Air Force naman ang ilang players ng V-League at UAAP.

Pinuwersa ni Cases ang isang extension sa third set bago nakipagtuwang kay Jennifer Man­za­no para kunin ang 26-24 pa­nalo.

Kinuha ng Air Force ang 20-14 abante sa fourth set matapos makatabla sa Bomberinas sa 12-12 sa lik­od ni Cases patungo sa ka­nilang tagumpay.

Hinirang si Cases bi­lang Most Valuable Pla­yer, habang kinilala ang kanyang mga ka­kamping si­na Wen­dy Se­­mana at Rhea Di­macu­la­­ngan bilang Best Attac­ker at Set­ter, ayon sa pag­­ka­ka­su­nod.

 

Show comments