Lacuna, Dato nagbida sa PNG

MANILA, Philippines - Nakumpleto ni Olympic Games campaigner Jessie Khing Lacuna ang kan­yang target na siyam na gintong medalya, habang lima naman ang nasikwat ni Hanna Dato sa swim­ming competition ng 2013 PSC-POC Natio­nal Games kahapon sa Ri­zal Swimming Center.

Apat na ginto ang idi­nagdag ni Lacuna ng Pu­lilan, Bulacan matapos magdomina sa men’s 100-meter butterfly, 200m individual medley, 50m freestyle at 100m breaststroke events sa Day Three.

Naglista si Lacuna, lu­maban sa 2012 Olympic Games sa London, ng mga bilis na 58.62 se­gundo sa 100m butterfly, 2:13.39 sa 200m IM, 24.64 sa 50m freestyle at 1:11.55 sa 100m breaststroke.

Tatlong gintong me­dalya ang kinuha ni Lacuna sa Day One at tatlo sa Day Two noong Biyernes.

Anim na ginto ang ibi­nulsa ni Lacuna sa Baco­lod City noong 2011 at li­ma sa Dumaguete City no­ong 2012.

Ipinagpatuloy naman ng 19-anyos na si Dato ng Las Piñas City ang kan­yang pagrereyna sa wo­men’s division matapos itu­bog ang kanyang pang-limang gold medal

Ang huling event na ipi­nanalo ni Dato ay ang 200m IM sa 2013 Na­tio­nal Games na inihahan­dog ng Ayala Corp., Sum­mit Mineral Water, Ba­la Ener­gy Drink, STI Col­le­ges, Splash Islands, Enchanted Kingdom, LBC, 7-11, TV5, AKTV, Milo, Proc­­ter and Gam­ble, Peak/Kix, Tea Mon­key, Stan­dard Insu­rance Corpo­ration, Delos San­tos Me­dical Center, Spin.ph, Ever­last at BSP Em­plo­yees Association.

 

Show comments