Lacuna, Dato nagbida sa PNG
MANILA, Philippines - Nakumpleto ni Olympic Games campaigner Jessie Khing Lacuna ang kanÂyang target na siyam na gintong medalya, habang lima naman ang nasikwat ni Hanna Dato sa swimÂming competition ng 2013 PSC-POC NatioÂnal Games kahapon sa RiÂzal Swimming Center.
Apat na ginto ang idiÂnagdag ni Lacuna ng PuÂlilan, Bulacan matapos magdomina sa men’s 100-meter butterfly, 200m individual medley, 50m freestyle at 100m breaststroke events sa Day Three.
Naglista si Lacuna, luÂmaban sa 2012 Olympic Games sa London, ng mga bilis na 58.62 seÂgundo sa 100m butterfly, 2:13.39 sa 200m IM, 24.64 sa 50m freestyle at 1:11.55 sa 100m breaststroke.
Tatlong gintong meÂdalya ang kinuha ni Lacuna sa Day One at tatlo sa Day Two noong Biyernes.
Anim na ginto ang ibiÂnulsa ni Lacuna sa BacoÂlod City noong 2011 at liÂma sa Dumaguete City noÂong 2012.
Ipinagpatuloy naman ng 19-anyos na si Dato ng Las Piñas City ang kanÂyang pagrereyna sa woÂmen’s division matapos ituÂbog ang kanyang pang-limang gold medal
Ang huling event na ipiÂnanalo ni Dato ay ang 200m IM sa 2013 NaÂtioÂnal Games na inihahanÂdog ng Ayala Corp., SumÂmit Mineral Water, BaÂla EnerÂgy Drink, STI ColÂleÂges, Splash Islands, Enchanted Kingdom, LBC, 7-11, TV5, AKTV, Milo, ProcÂÂter and GamÂble, Peak/Kix, Tea MonÂkey, StanÂdard InsuÂrance CorpoÂration, Delos SanÂtos MeÂdical Center, Spin.ph, EverÂlast at BSP EmÂploÂyees Association.
- Latest