MANILA, Philippines - Nailabas ni Jessie GuÂce ang bangis ng Sa WaÂkas matapos makumpleto ang pagbibida sa class division 1B race na inilagay sa 1,400 metro noong HuÂwebes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, BaÂtangas.
Nadehado ang kabayo ngunit tila naging hamon ito para sa tambalan nang magbanderang-tapos ito sa isinagawang karera.
Inilayo ni Guce ang Sa Wakas ng halos pitong dipa sa kalagitnaan ng karera at hindi naubos ang lakas ng kabayo paÂra magkaroon ng halos tatÂlong layo ng pagitan sa puÂmangalawang Jet’s TreaÂsure.
Nagpista ang mga dehadista sa pagkapanalong ito ng Sa Wakas dahil sa P29.50, habang ang mas deÂhadong kumbinasyon na 7-4 ay nagpasok ng P1,751.50 dibidendo.
Hindi nakaÂpagbigay ng laban ang Key Boy dahil nahulog si jockey Jordan Cordova sa pagbukas ng aparato.
Pinalad naman ang SeÂñorita Alessi na nagkaroÂon pa ng lakas sa huling 10-metro para balewalain ang malakas na pagdating ng Role Model.
Sa sprint distance na 1,000m ang labanan at ang nanalong kabayo ay iginiya ni Mark Alvarez na unang nailusot ang ulo sa meta sa Role Model na hawak ni LT Cuadra.
Patok ang Señorita AlesÂsi at ang coupled entry na So It’s You.