‘Winning formula’ gagamitin ng Ateneo

LARO BUKAS

(Philsports Arena, Pasig City)

1 p.m. UST vs Adamson (3rd Place)

3 p.m. Ateneo vs NU (Game 3)

 

MANILA, Philippines - Gagamit si Ateneo coach Roger Gorayeb ng ‘winning formula’ para sa kanilang ‘sudden death match’ ng National University para sa Shakey’s V-League 10-First Con­ference title bukas sa Philsports Arena sa Pasig Ci­ty.

Sinabi ni Gorayeb na hindi na mahalaga ang mga in­dividual at team statistics pagdating sa mga ganitong laro sa serye.

Ayon sa head coach, ang puso ng mga players ang pi­nakamahalaga at hindi ang mga istatistiko.

Iginiya ni Gorayeb ang Lady Eagles sa back-to-back crown sa Shakey’s V-League.

Iginiit naman ni NU mentor Edjet Mabbayad na ang kanilang winning formula ay ang serve at receive.

Niresbakan ng Lady Bulldogs ang Lady Eagles sa Game Two, 26-24, 25-22, 25-23, para itabla sa 1-1 ang ka­nilang best-of-three championship series.

Nauna nang nanaig ang Ateneo kontra sa NU sa Game One, 15-25, 22-25, 23-25.

 

Show comments