Rockets gustong makuha si Dwight Howard

HOUSTON -- Determinado ang Rockets na i-trade si forward Thomas Robinson – ang fifth pick sa 2012 NBA draft – para mapaluwag ang kanilang salary cap at mahabol si Los Angeles Lakers’ free-agent superstar Dwight Howard, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.

Nagtala si Robinson ng mga averages na 4.8 points at 4.5 rebounds sa nakaraang season para sa Houston.

Plano ng Rockets na tanggapin ang best offer para mai-trade si Robinson na may $3.52 million salary pa­ra sa 2013-14 season.

Sakaling mawala si Robinson  at iba pa, makaka­pag-alok ang Houston kay Howard ng isang maximum deal na magsisimula sa $20.5 milyon bawat season.

Bukod sa Rockets, naghahabol din kay Howard ang Dallas Mavericks at ang Golden State Warriors.

Kung makukuha ng Houston si Howard, makaka­tuwang niya sina James Harden at Chandler Parsons.

Ang 6-foot-10 Robinson  ay dinala ng Sacramento Kings sa Rockets sa isang package kasama sina Francisco Garcia at Tyler Honeycutt kapalit nina Patrick Patterson, Cole Aldrich, Toney Douglas at pera.

 

Show comments