Tinalo ang Slammers sa semis: SMBeermen pasok sa title series ng ABL

LARO SA BIYERNES

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

8 p.m. San Miguel Beer vs Indonesia Warriors

 

MANILA, Philippines - Nagbuhos ng puntos ang San Miguel Beer sa second half patungo sa 77-61 panalo laban sa Sports Rev Thailand Slam­mers noong Huwe­bes sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

Hindi pinahintulutan ng Beermen na makatikim ng panalo ang Slammers sa dalawang laro sa homecourt para wakasan ang best-of-five semifinals series sa  3-1.

“We take our hats off to the Slammers. It was not an easy series,” wika ni Asi Taulava, tumipa ng 15 points mula sa 7-of-11 shooting, bukod sa 5 rebounds, 4 assists at 2 steals.

Si Paolo Hubalde ang na­nguna sa Beermen sa kanyang 16 points, habang nagtala ng 10 points, 9 boards, 4 assists, 2 steals at 2 blocks si Brian Wil­liams.

Naunang lumayo ang Beer­men sa 21-13 pero lu­maban ang Slammers at sa halftime ay napag-iwa­nan lamang ng tatlong puntos, 30-33.

Pero naramdaman ng Slammers ang pagkawala ni Darrius Brannon na na­wala sa laro sa second period bunga ng knee injury matapos madaganan ng ka­kamping si Darongpan Apiromvilaichai.

Show comments