MANILA, Philippines - Inaprubahan ng NBA Board of Governors unanimously ang pagbebenta ng Sacramento Kings nitong Martes sa grupo na pinangungunahan ni TIBCO Software chairman Vivek Ranadive.
Inihayag ng liga sa isang statement na ang “tran-saction is expected to close shortly.’’
Matapos pigilan ng mga team owners ang relocation ng franchise sa Seattle sa kaagahan ng buwang ito, nakipagkasundo ang pamilya Maloof na ibenta ang 65 percent controlling interest sa Kings sa grupo ni Ranadive sa total franchise valuation na $535 million.
Si Ranadive na kailangang ibenta ang kanyang share sa Golden State Warriors, ay ang unang Indian-born na magiging majority owner sa NBA.
Kasama sa Sacramento group sina 24 Hour Fitness founder Mark Mastrov, dating Facebook senior executive Chris Kelly at Jacobs family na may-ari ng communications giant Qualcomm.
Matapos aprubahan ang bentahan, nagpasalamat si Ranadive sa mga owners sa kanyang Twitter. “It was an honor and a privilege to be part of such an amazing community.â€