Clifford kinuhang coach ng Bobcats

CHARLOTTE, N.C. – Kinuha ng Charlotte Bobcats si Los Angeles Lakers assistant Steve Clifford para maging coach ng kanilang koponan.

Dalawang taong may alam sa sitwasyon ang nagsabi nitong Lunes na pumayag na si Clifford sa three-year contract ngunit hindi pa ito inihahayag sa publiko.

Papalitan ni Clifford si Mike Dunlap na nasibak matapos ang 21-61 record na naitala sa kanyang natatanging season bilang head coach.

Si Clifford ay naging assistant coach sa New York, Houston, Orlando at Los Angeles ngunit hindi pa nagi-ging head coach sa NBA level. Nakatrabaho na niya si  Jeff and Stan Van Gundy.

Siya ang magiging ikaanim na coach ng Bobcats sapul noong 2006-07.

Nagdesisyon ang Bobcats na kunin si Clifford nitong Lunes, isang araw bago ang kanyang nakatakdang second interview sa Milwaukee Bucks para sa coaching vacancy din.

Lumipat si Clifford sa Los Angeles kasama si Dwight Howard mula sa Magic at nanatili bilang assistant coach ngunit pinayagan siya ng Lakers na magpa-interview sa ibang team.

Bago lumipat ng Lakers, si Clifford ay naka-limang seasons sa Orlando, kasama si Stan Van Gundy.

Show comments