^

PM Sports

Patok sa takilya ang finals ng PBA Commissioner’s Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umakyat ang viewership at gate attendance ratings ng nakaraang Cebuana Lhuillier PBA Commissioner’s Cup Finals.

 Ang Game 3 ng PBA Finals ay nagposte ng 4 million viewers sa TV5 sa fourth quarter. Kinakatawan nito ang 31.2% audience share para sa kapana-panabik na pagtatapos kung saan winalis ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra San Miguel sa 3-0.

 Ang 4 milyong viewers ang dumuplika sa nakaraang Commissioner’s Cup Game 7 Finals na nagpakita sa tagumpay ng B-Meg Llamados (nga-yon ay San Mig Coffee Mixers) laban sa Talk ‘N Text Tropang Texters.

Ang live broadcast ng Game 1 ay nagposte ng average na 2.5 million viewers o audience share na 18.4%, ayon sa Nielsen Media Research NUTAM data.

Umabot din ito sa tatlong milyong viewers o 26% audience share para sa TV5 sa primetime block. 

Sa venue, halos 20,000 (19,768) fans ang nagtungo sa SMART Araneta Coliseum para sa Game 3 noong Mayo 15.

Sa Game 2, tumaas ang viewership sa ave-rage na 2.9 million vie­wers o 21% audience share base sa NUTAM data sa TV5.

Umabot ito sa 3.3 million viewers o 25% audience share noong Biyernes.

Pumuwesto ito sa pang-siyam sa Top 15 Evening shows nationwide.

Napuno din ang SM Mall of Asia Arena ng 17,856 fans sa nasabing petsa.

 Ang Game 3 ay nag-lista naman ng bagong all-time record sa attendance para sa isang basketball game sa SMART Araneta Coliseum sa bilang na 23,436 fans.

Binasag nito ang da-ting record na 23,108 na naitala noong Mayo 8 sa semis double-header na nagtampok sa Alaska vs. San Mig Coffee at Brgy. Ginebra San Miguel vs. Talk N’ Text.

 

ALASKA ACES

ANG GAME

ARANETA COLISEUM

B-MEG LLAMADOS

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

CEBUANA LHUILLIER

CUP FINALS

CUP GAME

GAME

GINEBRA SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with