Duncan dinidiborsiyo ng kanyang asawa

MEMPHIS, Tenn. – Makikipagdiborsiyo na si San Antonio Spurs All-Star Tim Duncan.

Diumanoy nag-file na si Amy Duncan ng divorce noong March, ayon sa court documents na nakuha ng San Antonio Express-News.

Kinumpirma ni Spurs spokesman Tom James noong Sabado na magdidiborsiyo na sina Duncan at ang kanyang asawa.

Hindi nakipag-usap si Duncan sa mga reporters pagkatapos ng shootaround ng team nitong Sabado ng umaga  at sinabi ni James na hindi magsasalita ang kanilang sentro tungkol sa kanyang problema.

Nagpakasal sina Tim at Amy Duncan noong July 2001 at nagkaroon sila ng dalawang anak.

 

Show comments