Whoelse nakasilat ng panalo

MANILA, Philippines - Sumingit sa rekta ang kabayong Whoelse pa­ra agawin ang panalo noong Biyernes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Ba­tangas.

Si JL Lazaro ang hine­te ng kabayo na rumemate mula sa malayong ikaapat na puwesto at agawin ang panalo sa unahan ng Ja­nelle’s Episode sa karerang pinaglabanan sa class di­vision 1A sa 1,000-metro karera.

Naunang naglaban ang pumangalawang ka­bayo Barefoot Contessa, Chona’s Recipe at CTonet pero tumiklop ang mga ito sa mainit na pagdating ng nadehado pang Whoelse.

Hindi napaborang ga­ano ang Whoelse para ma­kapaghatid ng P25.00 sa win at ang forecast na 3-1 ay umabot sa P114.50 dibidendo.

Nakapagpasikat din ang A Toy For Us nang iwa­nan ang mga apat na ka­laban sa pangunguna ng Golden Top para maging pinakadehadong kabayo na nanalo sa Metro Mani­la Turf Club.

Si LT Cuadra ang hi­nete ng nanalong ka­bayo na dinomina ang 1,400-metrong karera mu­la simula hanggang sa katapusan para wakasan ang pagpapasikat ng Magayonon na puma­ngatlo la­mang sa datingan matapos pumangalawa sa hu­ling takbo sa nasabing race track.

Noong pang Marso hu­ling nakatikim ng pa­na­lo ang A Toy For Us pa­ra makapaghatid ng P53.50, habang ang pag­pa­ngalawa ng dehadong  Golden Top na 3-4 ay nag­pasok ng P412.00 di­bi­dendo.

Magtatapos ang isang linggong pista ngayong hapon sa paglarga ng 12 kabayo sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Car­mona, Cavite.

 

Show comments