MANILA, Philippines - Isang taon nang simulan ang kanilang operas-yon, nagdaos ang Mall of Asia Arena ng 100 events, ang karamihan ay mga sports games na pinanood ng mil-yong fans. Ngayon ay plano naman nilang magtayo ng replica ng MOA Arena sa Cebu.
Inihayag kamakalawa ng MOA Arena officials na balak ng SM group of companies, nagmamay-ari sa 20,000-seater ve-nue, na magtayo ng faci-lity sa Cebu.
“The owners are planning to put up another MOA Arena right in the heart of the Visayas in Cebu in a couple of years,†sabi ni Arnel Gonzales, ang Business Unit Head ng Mall of Asia Arena, kahapon sa media briefing sa MOA Arena’s Premier Cafe kasabay ng pagdiriwang sa first year anniversary ng venue.
Bilang isang venue, ang MOA Arena ang na-ging tahanan ng mga na liga sa bansa kagaya ng UAAP basketball at volleyball, NCAA basketball, Shakey’s V-League, PBA at iba pang events.
Idaraos rin sa MOA Arena ang ONE Fighting Championships: Rise to Power sa Mayo 31, ang mga opening games at halos karamihan sa mga laro ng UAAP at NCAA nga-yong taon, ang FIBA-Asia Championships sa Agosto 1-11 at ang NBA pre-season game na Indiana vs Houston sa Oktubre 1.
“We want to bring the success of the MOA Arena also to our countrymen in the South, particularly in Cebu,†ani Nicole Mariz Deato, ang marketing at sponsorship head ng MOA Arena at SM Tickets.