Blue vs Green Dream Game: The Revenge

MANILA, Philippines - Walang ibang hangad ang Ateneo kundi ang makaganti sa karibal na De La Salle sa kanilang exhibition match na sequel ng kanilang ‘Dream Game’ noong nakaraang taon.

Maghaharap ang Blue Eagles at ang Green Archers sa Hunyo 2 sa Mall of Asia Arena na isa na namang ‘cagefest for a cause’ at tinaguriang ‘Blue vs. Green’ na magtatampok sa mga players ng dalawang koponan na naglalaro ngayon sa PBA.

Hinugot ng Katipunan-based team, isang five-time reigning UAAP men’s champion, sina PBA rookies Chris Tiu at Eman Monfort sa hangaring ma-kaganti sa Green Archers matapos ang kanilang 104-117 kabiguan noong 2012.

Sa nasabing panalo ng La Salle, umiskor si Don Allado ng 23 points para sa kanilang 13-point win kontra sa Ateneo.

Muling babanderahan ni Allado ang Green Archers kasama si PBA rookie Simon Atkins.

Ang tatayong coach ng De La Salle ay si Air21 mentor Franz Pumaren, habang si Talk `N Text deputy Sandy Arespacochaga ang gigiya sa Ateneo na dating hinawakan ni Norman Black noong nakaraang taon.

“I think this is kind of an exhibition game held between rival schools that will be good eventually,” sabi ni PBA commissioner Chito Salud.

 

Show comments