Sapat na panahon ang kailangan ng Knicks
GREENBURGH, N.Y. -- Ilan sa kanilang mga players ay matanda na, ngunit sinasabi naman ng New York Knicks, bata pa ang kanilang koponan.
Kaya kailangan nila ay sapat na panahon at hindi isang overhaul para sa susunod na season.
“We’re just fine. I love our team just the way it is,’’ sabi ni point guard Raymond Felton. “When you start making too many changes, you can’t build on something. If you’re going to be successful, you’re going to be good, a team has to be a team, has to be together for a while. This is our first year together.’’
Habang sinasabi ng karamihan na maganda ang naging season ng New York, itinuturing naman ni Iman Shumpert na kabiguan ang hindi nila pagpasok sa Eastern Conference finals.
Para makaabante sa conference finals, dapat nanalo ang Knicks sa Game 6 noong Sabado kontra sa Pacers at maging sa Game 7 na inilaro sana nitong Lunes sa Madison Square Garden.
“We’re right there,’’ sabi ni Carmelo Anthony. “When you look back, recap this whole season, just some detail-oriented things that we’ve kind of got to fix, but we’re right there. I believe we’re right there as a team.’’
Tumapos ang Knicks na may 54-28, ang ikalawang pinakamagandang record sa East at nakapasok sa second round sa unang pagkakataon matapos noong 2000.
Ang kanilang Atlantic Division title ay una sapul noong 1994.
- Latest