MANILA, Philippines - Inaliw nina Manny Pacquiao at Grand Master Eugene Torre ang mga manonood sa isang exhibition game na nauwi sa draw sa $100,000 Pacquiao Asian Continental Chess Championships na ginaganap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City. Pagkatapos ng laban, nagpapirma si Torre sa second-term Sarangani Representative na si Pacquiao ng kanyang pulang boxing gloves at binigyan niya ito ng marble chess board at wooden chess pieces bilang souvenir.