Proud pa rin si Chua sa Barangay Ginebra

MANILA, Philippines - Bagama’t winalis ng Alaska sa kanilang best-of-five championship series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup, ipinagmalaki pa rin ni head coach Alfrancis Chua ang narating ng kanyang Barangay Ginebra.

Mula sa 0-4 panimula, bumangon ang Gin Kings para makapasok sa quarterfinal round kung saan nila tinalo ng dalawang beses ang Rain or Shine Elasto Painters na may ‘twice-to-beat’ advantage.

Nanaig naman ang Ginebra sa Game Five sa kanilang best-of-five semifinals series ng Talk ‘N Text para makaharap ang Alaska sa finals.

“I’m so proud of my team, my players. It was a wonderful ride from 0-4,” sabi ni Chua. “The thing is nakikita ko pagod na talaga eh. Si LA (Tenorio) bumigay pa. Si Vernon (Macklin), halos di na makalakad,” sabi ni Chua.

Para sa darating na 2013 PBA Governors Cup, ipaparada ng Ginebra si 6-foot-6 import Dior Lawhorn, naglaro para sa Saigon Heat sa Asean Basketball League.

 

Show comments