Gilas Pilipinas II sasabak sa national tour bilang paghahanda sa FIBA-Asia tourney

MANILA, Philippines - Sasabak ang Gilas Pili­pinas II sa isang national tour na kanilang ma­giging pinakahuling pag­hahanda bago sumabak sa  2013 FIBA Asia Cham­pionship na naka­takda sa Agosto 1-11.

Makakaharap ng Na­tio­nals ang mga PBA stars sa Hulyo 19 sa Davao.

Muli silang magtatapat sa Hulyo 23 sa Cebu at sa Hulyo 26 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang PBA selection ay hahawakan ni Franz Pu­maren ng Air21 Express.

Ang nasabing Luz-Vi-Min tour ang inaasahang gagamitin ni National head coach Chot Reyes bi­lang basehan sa kanyang pagpili ng Final 12 pa­ra sa FIBA-Asia Men’s Championships.

Ang nasabing torneo ang siyang Asian elimina­tor para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ang 15 players na nasa training pool ni Reyes ay si­na naturalized import Mar­cus Douthit, Sonny Thoss, Junmar Fajar­do, Greg Slaughter, Marc Pin­gris, Japeth Aguilar, Ra­nidel de Ocampo, Gary Da­vid, Jeff Chan, Gabe Nor­wood, Larry Fonaci­er, LA Tenorio, Jayson Cas­tro, Jimmy Alapag at Ryan Reyes, habang sina Kel­ly Williams at Jared Dil­linger ay tinanggal na.

 

Show comments