Gilas Pilipinas II sasabak sa national tour bilang paghahanda sa FIBA-Asia tourney
MANILA, Philippines - Sasabak ang Gilas PiliÂpinas II sa isang national tour na kanilang maÂgiging pinakahuling pagÂhahanda bago sumabak sa 2013 FIBA Asia ChamÂpionship na nakaÂtakda sa Agosto 1-11.
Makakaharap ng NaÂtioÂnals ang mga PBA stars sa Hulyo 19 sa Davao.
Muli silang magtatapat sa Hulyo 23 sa Cebu at sa Hulyo 26 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang PBA selection ay hahawakan ni Franz PuÂmaren ng Air21 Express.
Ang nasabing Luz-Vi-Min tour ang inaasahang gagamitin ni National head coach Chot Reyes biÂlang basehan sa kanyang pagpili ng Final 12 paÂra sa FIBA-Asia Men’s Championships.
Ang nasabing torneo ang siyang Asian eliminaÂtor para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ang 15 players na nasa training pool ni Reyes ay siÂna naturalized import MarÂcus Douthit, Sonny Thoss, Junmar FajarÂdo, Greg Slaughter, Marc PinÂgris, Japeth Aguilar, RaÂnidel de Ocampo, Gary DaÂvid, Jeff Chan, Gabe NorÂwood, Larry FonaciÂer, LA Tenorio, Jayson CasÂtro, Jimmy Alapag at Ryan Reyes, habang sina KelÂly Williams at Jared DilÂlinger ay tinanggal na.
- Latest