Blackwater pasok sa semis Huling twice-to-beat sa q’finals nasungkit ng Boracay Rum
MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng Boracay Rum na matapos agad ang laban sa PBA D-League Foundation Cup nang gulatin ang Fruitas 63-54, sa pagtatapos ng elimination round kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Gumana ang mga kamay nina Jonathan Fernandez at Jeff Viernes sa mahalagang huling yugto para wakasan ang laban sa elims katabla ang Shakers sa 7-4 karta.
Dalawang tres ang binanatan ni Fernandez at ang huli ay sumira sa hu-ling tabla sa 50-all bago hinalinhinan ni Viernes na inangkin ang pito sa huling siyam na puntos ng Waves.
“Kailangan namin na manalo sa larong ito para manatiling buhay. I’m so proud with the way my players played,†wika ni Boracay Rum coach Lawrence Chongson.
May 12 puntos si Vier-nes para pamunuan ang Waves na inangkin pa ang ikatlong puwesto at itinulak ang Shakers sa pang-apat na puwesto.
Hawak naman ng da-lawang koponan ang maha-lagang twice-to-beat advantage sa quarterfinals laban sa EA Regen at Big Chill.
Ininda ng tropa ni coach Nash Racela ang biglang pagkulapso sa mahalagang yugto upang mabigo sa hinangad na ikalawa at huling awtomatikong semis seat.
Sa nangyari, ang pa-hingang Blackwater Sports ang siyang umabante sa Final Four kasama ang NLEX na winakasan ang kampanya bitbit ang ikasiyam na sunod na panalo sa 81-70 panalo sa Jumbo Plastic sa unang laro.
Sa ikalawang yugto iniwanan ng Road Warriors ang Giants na nagkaroon lamang ng apat na panalo sa 11 laro.
Humugot naman ng 35 puntos ang Informa-tics Icons sa kamador na si Jeric Teng tungo sa 81-66 tagumpay sa Hog’s Breath sa huling laro.
Ito lamang ang unang panalo matapos ang 10 sunod na pagkatalo pero sapat ito para huwag mangulelat sa 12 koponang liga.
Nakapantay ng Icons ang Razorbacks sa 1-10 baraha pero dahil winner-over-the-other ang ginagamit para basagin ang tabla, kaya’t ang Hog’s Breath ang nalagay sa ika-12 at huling puwesto.
- Latest