1st leg ng Hopeful Stakes kapapanabikan din
MANILA, Philippines - Hindi lamang ang 1st leg ng 2013 Philracom Triple Crown ang magiging kapana-panabik panoorin kungdi kasama rito ang 1st leg ng Hopeful Stakes Race.
Sa Mayo 18 gagawin ang karera sa bagong Metro Turf Club at tulad sa Triple Crown, dinagsa rin ng nominasyon ng mga kabayong nais na tumakbo ang karerang inilagay sa 1,600-meter karera.
Umabot sa 14 ang nominado para sa karera na unang itatakbo bago ang main race na Triple Crown at nangunguna sa nagpatala ay ang Cat’s Silver na pag-aari ni Mandaluyong City Ma-yor Benhur Abalos.
Isinali rin ang dala-wang mahuhusay na tatlong taong kabayo na pag-aari ni Hermie Esguerra na Daragang Magayon at Humble Submission habang ang iba pang nais na sumali ay ang Balbonic, Big Boy Vito, Big Leb, Flying Honor, Jazz Connection, Lady Marilyn, Leonor, Mrs. Teapot, Nurture Nature, Sharpshooter at Striker’s Symbol.
Ang mananalo sa karerang ito ay magkakaroon ng pagkakataon na masama sa talaan ng mga tatakbo sa 2nd leg ng Triple Crown sa Hunyo 15 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ngayon ang final declaration at dalawang araw naman matapos ito ay magpapasiklaban na ang mga kabayo para dominahin ang karerang sinahugan ng Philippine Racing Commission (Philracom) ng P1 mil-yong premyo.
Ang mananalo ay mag-uuwi ng P600,000.00 na unang gantimpala habang ang papangalawa ay magdadala ng P225,000.00. Ang papangatlo ay mayroong P125,000.00 prem-yo habang P50,000.00 ang mapupunta sa papang-apat.
May dagdag ganan-sya ang breeder ng mananalong kabayo na nasa P30,000.00 premyo.
Ang Cat’s Silver at Mrs. Teapot ay naunang inakala na ipaparada sa Triple Crown matapos ang magagandang panalo na naitala ngunit mas ginusto ng mga connections ng kabayong nabanggit na ikondisyon muna ang mga ito sa Hopeful.
- Latest