Knicks nagkaroon ng problema sa serye

INDIANAPOLIS -- Malamya ang opensa ng New York Knicks, nasa panganib ang kanilang tsansa sa se­mifinals series at hindi nakakadalo sa ensayo ang ka­nilang mga key players.

Kaya naman nag-aalala na si Knicks’ head coach Mike Woodson matapos matalo sa Indiana Pacers sa Game 3 noong Sabado na nag-iwan sa kanila sa 1-2 agwat sa serye.

Hindi nakasama sa kanilang workout sina guard J.R. Smith at forward Kenyon Martin dahil may sakit sila.

“We’ve got to be careful that this thing doesn’t spread and other guys start dropping so we kept them back at the hotel,” wika ni Woodson.

Hindi pa tiyak kung maganda ang ilalaro nina Smith at Martin sa Game 4.

Noong Sabado, nagtala ang New York ng mahinang 35.2 percent shooting.

Ang kinatatakutan nilang 3-point shooting ay lu­may­lay sa 3-of-11 sa Game 3 na nagresulta sa kanilang 71-82 kabiguan sa Pacers.

Tumapos naman si NBA scoring champion Carme­lo Anthony na may team-high na 21 points ngunit may 2 points lamang sa fourth quarter kung saan siya nagtala ng 0-of-3 shooting.

Naglista naman si Smith, ang top sixth man ng NBA, ng 4-of-12 shooting bunga na rin ng kanyang ma­taas na lagnat bago ang nasabing laro.

Ginamit ni Woodson si Martin para depensahan si Pa­cers center Roy Hibbert.

Humakot si Hibbert ng 24 points at 12 rebounds la­ban sa New York.

Show comments