FEU ‘di bibigyan si Pingoy ng release papers

MANILA, Philippines - Hinarang ng Far Eastern Universi­ty ang inaasahang paglalaro ni inco­ming freshman Jerie Pingoy para sa Ate­neo Blue Eagles sa darating na 76th UAAP men’s basketball tournament sa Hunyo.

Sinabi ng isang FEU official na hin­di nila bibigyan si Pingoy ng release papers na maglilibre sa kanya sa eli­gibility rule ng UAAP para sa mga rookie transferees.

Si Pingoy ang dating kamador ng FEU Baby Tams sa high school division at gustong lumipat sa Blue Eagles.

“He may transfer to San Beda so that he can play already this June 2013 in the NCAA. No need to sit for two years of re­sidency if he plays in the NCAA. Ate­neo and the UAAP board are aware of this solution,” galit na wika ng nasabing FEU official.

Sinabi ni San Beda board representive Jose Mari Lacson na kinukuha ng Red Lions si Pingoy.

 

Show comments