1-0 lead pag-aagawan ng 4 koponan sa semifinals series ng Shakey’s V-League

MANILA, Philippines - Agawan sa 1-0 kala­ma­ngan ang mangyayari sa apat na nakatayong ko­ponan sa semifinals ng Shakey’s V-League Sea­son 10 First Confe­rence nga­yon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Inaasahang hitik ng ma­­nonood ang masisila­yan sa unang laro sa best-of-three semifinals series dahil sa walang puknat ang aksyong mapapano­od sa mga koponan ng Ate­neo-UST at National Uni­versity-Adamson.

Ang magwawagi ay mag­kakaroon ng pagka­ka­taon na wakasan ang ser­ye sa Huwebes na ga­gawin sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Dahil alam ang kaha­lagahan ng bawat laro sa playoffs, kinuha ng ko­ponan ni coach Roger Go­rayeb ang serbisyo  ni Thai import Jeng Bualee pa­ra palalimin ang pag­ku­ku­nan ng puwersa na da­ti ay iniaatang kina Ra­chel Ann Daquis, Fille Cainglet, Alyssa Valdez at Jem Fer­rer.

Si Bualee ay dating im­port ng San Sebastian at siyang leading scorer ng liga mula sa kanyang 158 hits na ki­natampukan ng 149 attacks.

Aasa naman ang Tig­res­ses sa ka­nilang mga man­­lalaro para ma­palakas ang tsansang ma­kuha ang ika-pitong ti­tu­lo sa liga.

Sina Aiza Maizo at Mai­ka Ortiz ang aasahan, ngunit naririyan din ang ibang manlalaro katulad nina Carmela Tunay, Pam Lastimosa, Jessey de Leon, Rhea Dimacula­ngan at ang mga nagbaba­lik na sina Maruja Bana­tic­la at Judy Caballejo.

Patok naman ang La­dy Bulldogs kontra sa La­­dy Falcons dahil hindi pa natatalo ang National Uni­­versity matapos ang anim na laro.

Ilan sa mga manlalaro ng NU ang pinakamahusay sa liga sa pangunguna ni 6-foot-2 Dindin Santiago na No. 2 sa scoring sa  kanyang 118 hits mula sa 90 kills, 20 service aces at 8 blocks.

Show comments