Blackwater may tsansa pa sa outright semis seat

LARO NGAYON

(Ynares Sports Arena)

2 p.m. – Cagayan Valley vs Cebuana Lhuillier

4 p.m. – NLEX vs EA Regens

 

 

MANILA, Philippines - Tinapos ng Blackwater Sports ang dalawang di­kit na kabiguan na bumu­laga sa koponan gamit ang 85-75 panalo sa Hog’s Breath para magkaroon ng tsansa sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Foundation Cup ka­hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ibinuhos ni Allan Ma­ngahas ang anim sa kan­yang 17 puntos sa huling 2:34 minuto para ibangon ang Elite mula sa 71-72 agwat at wakasan ang kam­panya sa eliminasyon bitbit ang 8-3 karta.

Nabawi ng tropa ni coach Leo Isaac ang lide­ra­to sa NLEX, ngunit hin­di pa sila tiyak sa insen­ti­bo na makukuha ng Top Two teams matapos ang eli­­minasyon dahil kaila­ngan pa nilang antayin ang resulta ng mga huling laro ng Road Warriors at Fruitas.

Tinalo ng Shakers ang Café France, 73-69, para ku­nin ang ikapitong pana­lo sa 10 laro.

May posibilidad na mag­katabla ang Shakers at Elite sa 8-3 karta kung mag­wagi ang tropa ni coach Nash Racela sa Bo­ra­cay Rum sa huling laro sa Huwebes.

Kung mangyayari ito, ang Fruitas ang aabante sa Final Four dahil nanalo sila sa Elite.

May 9 boards at 5 assists pa si Mangahas, habang si Kevin Ferrer ay mayroon ding 17 puntos para sa Elite na magkakaroon naman ng ‘twice-to-beat’ advantage sakaling malaglag sa quarterfinals.

 

Show comments