MANILA, Philippines - Kumpara kay Mike AlÂvarado, mas madaling taÂmaan ng mga suntok si BranÂdon ‘Bam Bam’ Rios.
Ito ang pagkukumpara ni chief trainer Freddie Roach kina Alvarado at RiÂos, lalabanan ni Manny PacÂquiao sa isang non-title, welterweight bout sa NobÂyembre 24 (Nobyembre 23 sa US) sa The VeÂneÂtian Hotel sa Macau, ChiÂna.
“Rios is not difficult to figure out,†ani Roach. “He wants to throw punÂches and when you do that you get hit. He’s very hittable, more hittable than AlÂvarado. Manny will knock him out and I’ll be hapÂpy to see it.â€
Natalo si Rios kay AlÂvarado via unanimous deÂcision sa kanilang rematch noong Marso 30.
Nagkaroon si Alvarado ng right hand injury sa kanilang laban ni Rios kaÂya hindi siya pinili ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para makasagupa ni Pacquiao.
“He picked me because I lost,†wika ni Rios sa pagpayag ni Pacquiao na labanan siya imbes na si Alvarado.
“They probably think. ‘Brandon is easy to hit. Brandon gets hit all the time.’ (But) it’s a very different story when you get in the ring with me. I’ve been waiting for this fight all my life. They made a mistake picking me,†dagdag pa nito.
Tinalo ni Timothy BradÂley, Jr. si Pacquiao via split decision noong HunÂyo 9 at pinatulog naman siya ni Juan Manuel Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagÂhaharap noong DisÂyembre 8.