Gordon inoperahan

NEW ORLEANS – Sinabi ng New Orleans Pelicans  na sumailalim si Eric Gordon sa matagumpay na arthroscopic surgery sa left ankle na isinagawa noong Huwebes ni Dr. Richard Ferkel ng Kerlan-Jobe Clinic sa Los Angeles para mawala ang pananakit na sanhi ng scar tissue.

Inaasahang sisimulan agad ni Gordon ang rehabilitation para magbalik-laro nitong summer.

Hindi nakalaro si Gordon nitong unang dalawang buwan ng 2012-13 season  sa pagrerekober mula sa injury sa kanang tuhod ngunit siya pa rin ang may pinakamalaking scoring average nang bumalik ito sa kanyang 7 points per game sa 42 laro.

Show comments