MANILA, Philippines - Hawak ng National U ang best record at nasa kanila ang ilang mahuhusay na players sa Shakey’s V-League sa ngayon. Ngunit kung tatanungin si coach Edjet Mabbayad kung ano ang tingin niya sa kanyang team, sasabihin niyang pareho lang sila ng ibang team.
“Lagi nilang sinasabi na kami ang paborito pero sa tingin ko hindi kami. Tulad lang kami ng ibang teams,†sabi ni Mabba-yad, na pinakabatang mentor sa kasalukuyan sa liga sa edad 26 at naging baha-gi ng Far Eastern U team na naghari sa UAAP mula 2004 hanggang 2007.
Sa pagdodomina ng NU ay nanalo sila sa kanilang apat na elimination round matches at naka-sweep ng kanilang tatlong laro sa quarterfinals kabilang ang 25-13, 25-13, 25-23 pagdedemolisa sa La Salle-Dasmariñas para makopo ang Final Four berth.
Ang Jhocson-based school ay kinabibila-ngan ni Aleona Santiago, ang best scorer ng liga kasunod nina powerhitting Thai player Jaroens-ri Bualee na best server, Mylene Paat na best blocker, Jennylyn Reyes na best digger at receiver at Ruby de Leon na best setter.
Haharapin ng Lady Bulldogs ang Adamson Lady Falcons sa May 14 sa Philsports Arena sa Pasig City na hangad makuha ang buwenamanong panalo sa best-of-three Final Four showdown.
“It’s nice that my players are leading those categories but all these will be nothing if we can’t show discipline, hardwork and focus in the Final Four,†sabi ni Mabbayad. “The past will not matter now, its what we do in the Final Four that will.â€