MANILA, Philippines - Ang tila walkout na senyales ni Sports Rev Thailand Slammers coach Joe Bryant ang mainit na tagpo sa larong dinomina uli ng San Miguel Beer para palawigin sa 15 sunod ang pagpapanalo sa ASEAN BasÂketball LeaÂgue (ABL) kagabi sa YnaÂres Sports Arena sa Pasig City.
Tinawag ni Bryant ang kanyang manlalaro at pinaupo sa kanilang bench matapos hindi magustuhan ang isang unsportsÂmanÂlike foul na itinawag sa kanyang manlalaro sa puntong nakalayo na sa 71-51 ang Beermen.
Matapos ang ilang paÂliwanagan sa mga refeÂrees, bumalik din ang SlamÂmers at tinapos ang laro na kung saan nanaig ang tropa ni coach Leo Austria, 76-69.
Ito ang ika-18 panalo sa 21 laro ng Beermen na hinarap ang huling home game sa eliminasyon.
Nanguna sa host team si Asi Taulava sa kanyang 15 puntos at 12 rebounds.
Humugot si Taulava ng 9 puntos at 11 boards sa first half para itulak ang Beermen sa 38-27 kalaÂmaÂngan.
May 6 puntos ang 6-foot-10 Fil-Tongan sa ikatÂlong yugto at nakipagÂtulungan kina Brian WilÂliams, Justin Williams at Leo Avenido para hawakan ng Beermen ang 61-42 kalamangan papasok sa huling yugto.
Tatapusin ng Beermen ang laro sa eliminasyon sa pagdayo sa Westports MaÂlaysia Dragons sa MaÂyo 17.
May 30 puntos si ChrisÂtien Charles para sa SlamÂmers na muling naÂkaÂpantay ang Singapore Slingers sa mahalagang ikaÂapat na puwesto.
Natalo ang Slingers sa kamay ng nagdedepenÂsang Indonesia Warriors, 39-64, noong Biyernes.