Banaticla, Caballejo aasahan ng Tigresses

MANILA, Philippines - Ang susi para manalo ang UST laban sa Ateneo sa kanilang tagisan sa se­mifinals ng Shakey’s V-League ang ipakiki­ta nina Maruja Banatic­la at Judy Caballejo.

Ang six-time champion na Tigresses ay may ipi­nagmamalaking sina Ai­­za Maizo, Maika Ortiz, Pamela Lastimosa at Car­mela Tunay.

Pero mahalaga kay head coach Odjie Mamon ang ipakikita nina Bana­ticla at Caballejo para ta­patan ang pinalakas na line-up ng Lady Eagles.

May ipinagmamala­king Rachel Ann Daquis pa­ra makasama sina Aly­ssa Valdez at Fille Ca­inglet sa pag-atake, ki­nuha na rin ng nagdedepen­sang kampeon ang serbisyo ni dating San Sebastian reinforcement Jeng Bua­lee para tumibay ang arsenal ng Ateneo sa semis.

“Unti-unti ay ibina­balik ko sina Banaticla at Ca­ballejo sa team. Ma­ha­laga sila sa rotation ko at kailangan ko ang kanilang produksyon la­lo pa’t lumakas ang Ate­neo,” wika ni Mamon.

Hindi natalo ang UST sa quarterfinals at kinuha ang puwesto sa Final Four nang pataubin ang NCAA champion Per­pe­tual Help sa limang ma­higpitang labanan, 21-25, 25-18, 25-22, 19-25, 15-11, noong Huwebes.

Ang isa pang pares ng aksyon sa Final Four sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa ay sa pagitan ng walang talong National University at Adamson.

Ang Game 1 ng best-of-three series ay ga­gawin sa Martes sa Philsports Are­na sa Pa­sig City at ang Game 2 ay sa Hu­we­bes sa MOA Arena sa Pasay City.

 

Show comments