MANILA, Philippines - Hindi napigilan ang maÂÂlakas na pagdating ng UnÂequalled para mapaÂngaÂtawanan ang pagiÂging pinakaliyamadong kaÂbayo na nanalo noong BiÂyernes ng gabi sa bakuÂran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sakay pa rin si Jordan Cordova, ang Unequalled ay bumangon mula sa daÂlawang dipang layo sa naÂunang lumamang na Kate Ganda sa rekta para kunin ang pangunguna sa class division 4 race na inilagay sa 1200-metrong karera.
Nakasabay ng nanalong kabayo na umarangkada sa huling 100 metro ng karera ang Super Kent na pumangalawa sa datiÂngan, kapos ng kalahaÂting kabayo habang ang Kate Ganda ay naglakad na para tumapos sa pang-apat lamang kasunod ng Sir Jeboy.
Ikatlong sunod na paÂnaÂlo ito ng Unequalled at ikalawa sa buwan ng MaÂyo para makapaghatid ng P6.00 sa win, habang ang forecast na 1-3 ay pumalo sa P25.50 dibidendo.
Ito ang ikalawang panalo sa gabi sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ni Cordova daÂhil una niyang naihatid sa tagumpay ay ang Extra Ordinary sa race one na isang class division 7 at iniÂlagay din sa 1,200 meÂtro.
Patok din ang nasaÂbing kabayo sa pitong nagÂlaban at mahusay na isiÂnunod lamang ni CorÂdoÂva ang Extra Ordinary sa likod ng naunang NeÂverÂsaygoodbye at saka laÂmang tumodo pagpasok sa huling kurbada.
Mula rito ay nilayuan na ng Extra Ordinary ang mga kalaban para manalo ng halos limang dipa sa Golden Class.
Tinapos ng Extra Ordinary ang dalawan,g suÂnod na segundo puwesÂtong pagtatapos sa huÂling dalawang takbo paÂra makapaghatid ng P7.00 sa win, habang ang forecast na 5-7 ay naggawad ng P38.00 dibidendo.
Ang pinakadehadong kabayo na nanalo ay ang My Champ na hinawakan ni Fernando Raquel Jr. at tumakbo sa 3YO handicap 3 race.
Sa pinakalabas dumaÂan ang naunang nalagay sa ikalimang puwesto na My Champ at tinugon ang paggamit ng hinete ng latigo sa pagtulin ng pagÂtakbo para manalo.