George Karl ng Denver Coach of the Year

DENVER -- Hindi makasarili ang bawat isa at walang paistaran.

Ito ang dahilan kung bakit nakapagtala ang Denver Nuggets ng NBA franchise-record na 57-win sa regular season.

Ganitung-ganito ang ipinakita ni George Karl na hindi sinarili ang papuri nang tanghaling  Coach of the Year sa unang pagkakataon  sa kanyang tinagal-tagal na NBA head coach.

Pinasalamatan lahat ni Karl mula sa kanyang coach sa middle school na nagpakilala sa kanya sa mundo ng basketball hanggang sa kanyang matalik na kaibigang si Rick Majerus na yumao na sa emos-yunal na news conference sa Pepsi Center.

Ibinigay din niya ang papuri sa mga  Nuggets players, assistant coaches, scouts, trainers, front office, may-ari ng team at mga support staff habang tinitingnan ang  Red Auerbach Trophy sa harap niya.

“What I hope is everybody understands this is not about me. It’s about a lot of people and a lot of people in my past and I am proud to have that trophy,’’ sabi ni Karl.

 

Show comments