MIAMI -- Ang writer na hindi bumoto kay Le-Bron James ng Miami Heat bilang Most Valuable Player ng NBA ay naniniwalang mas naging mahalaga si Carmelo Anthony sa kanyang team ngayong season.


Sinabi ni Gary Washburn ng The Boston Globe na muling binuhay ni Anthony ang New York Knicks nang pangunahan niya ito sa kanilang unang division title matapos ang dalawang dekada.
Nagpaliwanag si Washburn matapos makopo ni LeBron ang kanyang ikaapat na MVP award.

Sinabi ni
Washburn na hindi sana nakapasok ang Knicks sa playoffs kung wala si Anthony habang ang Heat ay maraming mahuhusay na player bukod kay James. Ayon kay Washburn, naniniwala siyang si James ang magiging unang seven-time MVP ng liga.
Kumulekta si James ng 120 sa kabuuang 121 first-place votes. Hindi pa nagkakaroon ang NBA ng unanimous MVP.