P30 milyon nakataya sa 6/55

MANILA, Philippines - Hanap uli sa gabing ito ang ikalawang masu-werteng mananaya na magiging milyonaryo sa Grand Lotto sa buwan ng Mayo.

Buo pa rin ang P30 milyon na inisyal na jackpot prize sa 6/55 draw matapos hindi nahagip ang lumabas na kumbinasyon noong Lunes ng gabi na 17-28-30-23-26-50.

Ikalawang mananalo sa kaagahan ng buwang kasalukuyan ang hanap dahil tinamaan noong Mayo 4 ang P30 million minimum jackpot prize sa 8-37-48-32-15-27 numero.

Kasabay na bobolahin ay ang 6/45 Mega Lotto draw at tataas ang jackpot prize na maaaring umabot na sa P15 milyon.

Lumusot ang kabuuang P12,595,728.60 premyo na pinaglabanan noong Lunes ng gabi dahil walang nakahuli sa mataas na kumbinasyong 30-33-35-36-42-45 na lumabas.

Huling tinamaan ang premyong nakataya sa draw na ito ay noong Abril 29 nang tamaan ng isang mananaya.

Show comments