MIAMI -- Ang Chicago Bulls ang tumapos sa 27-game winning streak ng Miami Heat sa regular season na siyang panga-lawa sa pinakamahabang winning streak sa NBA history.
At muli nilang ginulat ang nagdedepensang kampeon.
Nagtala si Nate Ro-binson ng 27 points, habang may 21 points si Jimmy Butler bukod pa sa kanyang career-high-tying 14 rebounds para pangunahan ang Bulls sa 93-86 paggupo sa Heat sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference semifinal series.
Rumesbak ang Chicago mula sa isang seven-point deficit sa gitna ng fourth quarter mula sa kanilang 10-0 ratsada sa huling 1:59 minuto ng laro sa kabila ng pagkakaroon ng injury at sakit nina Kirk Hinrich at Luol Deng.
Hindi pa rin nagla-laro si Derrick Rose sapul noong Abril ng 2012.
Tangan ngayon ng Chicago ang 3-2 bentahe sa kanilang head-to-head ng Miami ngayong season.
Bago ang laro ay tinanggap muna ni Le-Bron James ang kanyang ikaapat na MVP trophy mula kay Commissioner David Stern before.
Umiskor lamang ng 2 points si James sa first half bago tumapos bitbit ang 24 points, 8 rebounds at 7 assists para sa Miami, habang nagdagdag si Dwyane Wade ng 14 points para sa Heat, tinalo ng Bulls sa rebounding department, 46-32.
Sa San Antonio, kumonekta si Manu Ginobili ng isang 3-pointer sa huling 1.2 segundo sa double overtime para tulungan ang Spurs sa 129-127 pagtakas kontra sa Golden State Warriors sa kanilang Western Confe-rence semifinals series.
Binanderahan naman ni Stephen Curry ang Warriors sa likod ng 44 points.
Nauna dito, nagmintis muna si Ginobili sa kanyang tres sa huling 43.7 segundo na siya sanang nagpatalo sa San Antonio.
Tumipa si Kent Bazemore ng isang reverse lay-up na nagbigay sa Warriors ng 127-126 abante sa nalalabing 3.9 segundo sa ikalawang overtime.