^

PM Sports

NU Spikers tangka ang Final 4

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tangka ng mainit na National U na makuha ang unang ticket sa Final Four sa pakikipagharap sa mapanganib na La Salle-Dasmariñas sa Shakey’s V-League First Confe-rence sa The Arena sa San Juan City ngayon.

Iginupo ng  Lady Bull­dogs ang Ateneo La­dy Eagles, 25-12, 25-17, 26-24, noong Linggo upang manatiling tanging walang talong koponan na nangunguna sa Group II sa kanilang 2.0 slate sa torneong ito na suportado ng Shakey’s na may kaka­ibang format.

Sinabi ni  NU coach Ed­jet Mabayad na wala si­yang planong magpabaya  sa pakikipagharap sa La Salle-Dasmariñas la­labanan nila sa alas-4 ng ha­pon.

“Hindi kami titigil sa pagtratrabaho at ipagpapatuloy namin ang aming magandang laro. Hindi kami puwedeng magpabaya at mag-relax,” ani Mabayad.

Nakatuon naman ang la­hat ng mata kay NU team captain Dindin Santiago na muling sasanda­lan ng Jhocson-based school sa hangaring makapasok sa se­mifinal round sapul noong 2011 First Confe­rence matapos mabigo sa Ate­neo sa tatlong laro.

Tangka namang bigyang buhay ng Perpetual Help ang kanilang humi­hinang tsansa sa Final Four sa pakikipagharap sa San Sebastian sa isa pang laban sa alas-2 ng ha­pon.

Desidido ang Lady Altas, may 0-1 (win-loss) record, na i-sweep ang ka­nilang huling dalawang la­ro para magkaroon ng tsansa sa playoff para sa semis slot.          

Sa kabilang dako, wa­la nang ipinaglalaban pa kundi pride ang Lady Stags matapos mapatalsik sa kontensiyon sa pakiki­pagharap sa Adamson Lady Falcons, 21-25, 20-25, 25-23, 23-25 noong nakaraang linggo.

 

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ATENEO LA

DINDIN SANTIAGO

FINAL FOUR

FIRST CONFE

LA SALLE-DASMARI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with