MANILA, Philippines - Papalakasin pa ng baguhang EA Regens ang paghahabol sa unang dalawang puwesto sa PBA D-League Foundation Cup sa pagharap sa Big Chill ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nasa ikaapat na puwesto sa team standings ang Team Delta sa 5-3 karÂta ngunit sakaling taluÂnin nila ang SupercharÂgers ay makakasalo sila sa ikatlong puwesto na ngaÂyon ay hawak ng Fruitas Shakers.
Ang laro ay itinakda dakong alas-4 ng hapon at pinalakas ang tropa ni coach Allan Trinidad sa pagkuha kay Alex Nuyles na dating manlalaro ng Big Chill.
Unang magtatapat sa gaÂnap na ika-2 ng hapon ay ang Café France at Cagayan Valley na pareho ring palaban para sa top two spots na mabibigyan ng awtomatikong puwesto sa semifinals.
Magkatabla sa 5-4 baÂraha ang Bakers at Rising Suns kaya’t ang matatalo ay maghahabol na lamang ng puwesto sa quarterfinals.
Galing sa panalo ang tropa ni coach Allan Trinidad sa huling laro ngunit dismayado ang coach dahil sa dikitang 88-82 lamang tinalo ng koponan ang nangungulelat na Informatics Icons.
“Makakatulong marahil sa amin ang pahinga na nangyari at ang pagdating ni Alex,†wika ni Trinidad.
Hindi puwedeng magÂpaÂbaya ang EA Regens daÂhil ang tropa ni coach RoÂbert Sison ay kailaÂngang manalo para manatiÂling buÂhay ang pag-asang huwag lumasap ng maagang bakasyon.
May 5-5 karta ang SuÂperchargers at nasa ikaÂwalo at siyam na puwesto kaÂsalo ang Cebuana LhuilÂlier.
Sa format ng liga, ang mahuhuling anim na koponan matapos ang single round eliminations ay maÂmamaalam na.