MANILA, Philippines - Ipinanalo ni jockey Jordan Cordova ang Empire PrinÂcess sa pinaglabanang 4th NPJAI-PCSO Cup Race na inilagay din sa 1,300 metrong distansya.
Outstanding din ang nasabing kabayo dahil katulad ng Unequalled ay galing rin sa panalo ang Empire Princess noong Abril 28 sa pagdadala pa ni Ed VilÂlaÂhermoÂsa.
Pangalawa agad ang Empire Princess sa Perfectly CharÂming na sakay ni Jeff Zarate pero nagbago ang puwestuhan ng dalawang kabayo sa huling 500 metro nang makaalagwa na ang paboritong kabayo.
Balikatan ang dalawa pero may pangalawang buÂhos pa ang Empire Princess at manalo ng dalawang kaÂbayong agwat.
Kinuha ng nanalo ang pinaglabanang distansya sa 1:23.4 mula sa kuwartos na 7, 24, 25, 27’ para angkinin din ang P150,000.00 unang gantimpala.
Pinakaliyamadong kabayo na nagtagumpay sa araw na ito ang Empire Princess sa ibinigay na P5.00 diÂbidendo sa win, habang nasa P32.50 ang dibidendo sa 4-7 forecast.
May P56,250.00 gantimpala ang Perfectly CharÂming, habang ang My Sweet Leonora at Saga ang kuÂmumpleto sa datingan at iuwi ang P31,250.00 at P12,500.00.
Huling kabayo na nanalo sa mga Cup races ay ang Mr. Jason na dala ni Fernando Raquel Jr. at nangibaÂbaw sa hamon ng Sabuhin na hawak ni JB Cordero.
Halagang P150,000.00 din ang naibigay ng panalo sa winning connections ng kabayo na tinapos ang kaÂwalan ng panalo sa buwan ng Abril.
Nasa P7.50 ang ibinigay sa win, habang ang 7-9 forecast ay mayroong P39.00 dibidendo.