DIGOS CITY , Philippines . -- IpiÂnaÂsok ni Jeff Chan ang isang three-pointer may 0.6 segundo sa gameclock para itabla ang Gilas Pilipinas sa PBA All-Star selection, 124-124, kagabi sa pang-24 na All-Star Game sa Davao del Sur Coliseum dito.
Dahil exhibition game lamang, hindi na nagkaÂroÂon ng overtime period ang laro na naging kauna-unaha sa isang All-Star Game sa kasaysayan.
Sina Chan, nagtapos na may 9 points, 6 rebounds at 6 assists, at si Arwind Santos ng PBA All-Star na nanguna para sa kanyang koponan sa hinakot na 27 points, 13 rebounds at 2 steals ang nahirang na co-Most VaÂluaÂble Players ng laro.
Samantala, napanalunan nina JVee Casio ng Alaska, Malalag, Davao del Sur Mayor Rouel PaÂras at Paolo Anota ng RadÂyo 5 ang Shooting Stars competition bago ang All-Star Game sa paÂmamagitan ng isang event record time na isang minuto at limang seÂgundo.
Samantala, mula isa hanggang tatlong buwan na lamang ang magiging reÂcovery period ni Talk ‘N Text at Gilas Pilipinas plaÂyer Jared Dillinger daÂhil sa kanyang hip bone fracture na natamo sa isang akÂsidente kamaÂkaiÂlan at hinÂdi na tatlo hangÂgang anim na buwan kaÂtuÂlad ng unang naiulat.
Ito ay matapos humiÂngi ng second opinion si Dillinger sa isang hip speÂÂcialist at sinabihan na hindi na kailangang lagyan ng metal plates at screws ang kanÂyang hip bone fracture.
PBA All-Stars 124 – SanÂtos 27, Canaleta 20, CaÂbagÂnot 15, Belga 15, Ellis 9, Abueva 9, Casio 9, BaÂguio 9, Lassiter 6, Caguioa 3, Yap 2.
Gilas Pilipinas 124 – FoÂnacier 18, David 17, De Ocampo 14, Thoss 11, Castro 11, Pingris 10, Tenorio 10, Norwood 10, Chan 9, FaÂjardo 9, Aguilar 5.
Quarterscores: 31-33; 65-66; 95-89; 124-124.