Spoelstra madali at mahirap ang trabaho sa Heat

MIAMI -- Hawak ngayon ni Erik Spoelstra ang pi­nakamadali at pinakamahirap na coaching job sa NBA.

Ang pinakamadali: Ang Miami Heat Fil-American coach ay may apat na potensiyal na Hall of Fame pla­yers kina LeBron James, Dwyane Wade, Chris Bosh at Ray Allen sa kanyang koponan at ang pinakamalalim na bench sa liga.

Kasama niya si Pat Riley bilang mentor at isang team owner sa katauhan ni Micky Arison na handang gu­mastos para lamang manalo.

Ang pinakamahirap: Alam niya na kung hindi nila makukuha ang ikalawang sunod na NBA championship ay nangangahulugan ng kabiguan.

“There’s a lot of coaches who could coach this team,” pahayag ni Spoelstra sa Heat. “I wouldn’t be as dis­respectful to this profession to say anybody could coach this team. Some coaches could mess it up. I don’t want to be one of those people. We honor that by trying to make the most of this opportunity. That’s all it is.”

Show comments