PORTLAND, Ore. -- Hinirang si Damian Lillard ng Portland Trail Blazers bilang NBA Rookie of the Year.
Pinangunahan ni Lillard, ang sixth overall pick ng Portland sa nakaraang NBA Draft noong HunÂyo mula sa Weber State ang mgal rookies mula sa kanÂyang 19-point scoring average.
Nagtala din siya ng mga averages na 6.1 assists at 3.1 rebounds sa kanyang 82 laro ngayong season.
Sinira niya ang rookie record ni Stephen Curry paÂra sa 3-pointers sa isang season mula sa kanyang isiÂnalpak na 185 three-point shots.
Si Lillard ang naging ikatlong NBA rookie na nagÂposÂte ng halos 1,500 points at 500 assists, matapos siÂna Oscar Robertson at Alan Iverson.
Winalis din niya ang kabuuang anim na Rookie of the Month awards ngayong season.
“I can’t stop smiling,†wika ni Lillard nang tanggapin ang Eddie Gottlieb Trophy noong Miyerkules.
Si Lillard ang ikaapat na player sa league history na umangkin sa Rookie of the Year na walang kalaban maÂtapos sina Blake Griffin noong 2011, David Robinson noong 1990 at Ralph Sampson noong 1984.
“He’s fantastic, really fantastic,†ani Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers. “A lot of players get hot, but he’s got the moves, the patience, intelligence, the baÂlance on his jumpers. He’s the real deal.â€