Lady Eagles, Lady Falcons nakalapit sa semis

MANILA, Philippines - Hindi nagpabaya ang nagdedepensang kam­peon na Ateneo at Adamson sa hamon ng mga nakatunggali upang lumapit sa isang hakbang patungo sa se­mifinals sa pagbubukas kahapon ng Shakey’s V-League Season 10 First Con­ference kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Kumamada si Rachel Ann Daquis matapos ha­wa­kan ng Arellano ang 23-22 kalamangan sa ikat­long set patungo sa pag­kumpleto sa  25-18, 25-17, 25-23 panalo para sa 2-0 karta sa Group I.

Inangkin ni Daquis ang huling tatlong puntos ng Lady Eagles upang ma­kumpleto ang straight set win at iangat sa 5-0 ang kabuuang karta ng ko­ponan.

“Mahaba ang break na­min kaya ang ginawa na­min ay itinaas ang in­ten­sity sa paglalaro lalo na sa floor defense,” wika ni Da­quis na tumapos bitbit ang 12 puntos.

Bumaba naman ang La­dy Chiefs sa 0-2 karta at nasayang ang pagkaka­taon na makaisa sa ikatlong set kung saan bu­mangon sila mula sa 1-6 iskor at nakuha ang isang puntos na kalamangan da­hil sa over-set ni Jem Fer­rer.

Bumangon agad ang Lady Falcons sa pagkatalo sa third set upang ang­ki­nin ang 25-21, 25-20, 23-25, 25-20 tagumpay sa San Sebastian para ha­wakan ang liderato sa Group I sa 2-0.

May 15 kills at 5 blocks patungo sa 21 puntos si Angela Benting para pangunahan ang apat na man­lalaro ng Adamson na gumawa ng 10 puntos pa­taas.

Nangunang muli ang lea­ding scorer ng liga na si Jeng Bualee para sa La­dy Stags sa kanyang 25 puntos mula sa 23 attack points at tig-isang block at service ace, pero wala si­yang suporta lalo na sa ma­halagang yugto ng la­ba­nan na nakuha ng Lady Fal­cons.

Bumaba sa 0-2 ang La­dy Stags at Lady Chiefs at kailangang maipanalo ang huling dalawang laro pa­tungo sa semis.

Show comments