NEW YORK -- Nakabalik sa kanilang first-round playoff series at magbabalik sa Boston.
Nagposte si Kevin Garnett ng 16 points at 18 rebounds para pangunahan ang Boston Celtics sa 92-86 tagumpay kontra sa New York Knicks at makalapit sa 2-3 sa kanilang serye.
Ang Celtics ang mamamahala sa Game 6 sa Boston sa Biyernes.
Dalawang panalo pa ang kailangan nila para maÂging kauna-unahang NBA team na nakabawi buhat sa isang 3-0 deficit at angkinin ang serye.
Tumapos naman si J.R. Smith, naglaro matapos mapatawan ng isang one-game suspension dahil sa paniniko sa mukha ni Jason Terry sa Game 3, na may 14 points mula sa kanyang 3-of-14 fieldgoal shooting.
Nagdagdag si Jeff Green ng 18 points at may 16 si Paul Pierce para sa Celtics.
Nagtala si Carmelo Anthony ng 22 points galing sa malamya niyang 8-of-24 clip para sa New York.
Sa Oklahoma City, tumipa si James Harden ng 31 points at nagsalpak ng pitong 3-pointers sa kabila ng pagkakaroon ng sinat para igiya ang Houston Rockets sa 107-100 panalo laban sa Oklahoma City Thunder at makalapit sa 2-3 agwat sa kanilang serye.
Nakahugot ang Houston ng 21 points at 11 rebounds kay Omer Asik at 18 points kay Francisco Garcia, habang nag-ambag si Patrick Beverley ng 14 at may tig-10 sina Aaron Brooks at Chandler Parsons.
Sa Indianapolis, tumipa si veteran David West ng 24 points, samantalang nagdagdag si Paul George na may double-double para ihatid ang Indiana Pacers sa 106-83 pananaig kontra sa Atlanta Hawks at kunin ang 3-2 abante sa kanilang serye.