Urbiztondo, Casio paborito sa 3-Point Shootout

PBA ALL STARS SCHEDULE

(Sports, Cultural and Business Center, Davao del Sur)

LARO BUKAS

5:00 p.m. PBA All-Star Skills Events

6:00 p.m. PBA Greats vs Stalwarts Game

LARO SA LINGGO

5:00 p.m. Shooting Stars Competition

6:00 p.m. PBA All-Star Selection vs Gilas Pilipinas

 

DIGOS CITY, Philippines -- Dahil sila na lamang sa natitirang walong kalahok ang nag­lalaro pa at walang ini­indang seryosong inju­ry sa Cebuana Lhuillier playoffs ng PBA Commissioner’s Cup na mag­pa­patuloy sa susunod na Mi­yerkules, sina Josh Ur­biztondo ng Barangay Ginebra at JVee Casio ng Alaska ang paboritong makakaagaw ng korona ni three-time defending champion Mark Macapagal ng Barako Bull sa Three-Point Shootout Contest, isa sa mga Skills events ng PBA All-Star Week na gaganapin sa ka­pitolyong siyudad na ito ng Davao del Sur.

Medyo angat pa si Urbiztondo, na pinalitan sa event ang may injury na si Mark Caguioa, dahil tu­mabla ito sa pangalawang puwesto sa Three-Point Shootout contest sa PBA All-Star Week noong na­ka­raang taon sa Laoag City kasama ni KG Canaleta ng Air21 na nagba­balik din ngayong taon pa­ra sumubok talunin si Ma­capagal.

Bukod kina Urbiztondo, Casio, Canaleta at Macapagal, ang iba pang ka­lahok sa Three-Point Shoot­out ay sina James Yap ng San Mig Coffee, Mar­cio Lassiter ng Petron Blaze, Willie Miller ng Globalport at rookie Chris Tiu ng Rain or Shine.

Ang two-time MVP na si Yap, ang Three-Point Shootout champion noong 2009, ay nag­lalaro sa best-of-five se­mis ng Mixers kontra Aces. Pero may iniindang back injury at dahil sa mga therapy sa aktwal na araw ng Skills event ay inaasahang ma­kaka­rating dito.

Si Lassiter, na pu­mang-apat sa Three-Point Shootout noong isang ta­on, ang kasalukuyang No. 1 overall sa three-point shooting sa Commissioner’s Cup sa kanyang 44.8% (30-of-67) pero ayon sa kanya ay hindi pa siya nakakahawak ng bola mu­la nang masibak ang Boosters sa quarterfinals la­ban sa Talk ‘N Text.

Samantala, hanggang kahapon ay hinihintay pa rin ng PBA Commissio­ner’s Office ang pormal na tawag ni boxing icon at Sarangani Congressman Manny Pacquiao tungkol sa interes nitong maglaro sa PBA Greats laban sa Stal­warts na nakatakda bu­­kas.

Show comments