MANILA, Philippines - Nagtayo ng isang 17-point lead sa first half ang Alaska at hindi na nilingon pa ang San Mig Coffee tungo sa 86-67 panalo sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinals series sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa SM MOA Arena sa Pasay City.
Itinala ng Aces ang 39-22 bentahe, 5:54 ang oras sa second period mula sa tres ni JVee Casio na kanilang pinalobo sa 23-points, 63-40, sa gitna ng third quarter para makabawi sa kanilang pagkatalo sa Game 1, 71-69, noong Sabado at itabla ang best-of-5 series sa 1-1.
Nagawa pa ng San Mig Coffee na makalapit sa 62-71 mula sa tirada ni PJ Simon ngunit ang basket ni Sonny Thoss at slam dunk ni import Robert Dozier ang muling naglayo sa Alaska sa 76-61 sa huling 3:09 minuto ng laro.
“It’s not dirty. It’s just physical,†sabi ni Alaska coach Luigi Trillo. “It’s not about James (Yap) versus Calvin (Abueva) or JVee (Casio) versus (Mark) Barroca. You know it’s more than that.â€
Samantala, bukas ang larga ng malaking bulto ng PBA de-legation patungong Digos City sa Davao del Sur para sa taunang All-Star Week ng liga na gaganapin mula bukas hanggang sa Linggo.
Magpapahinga muna ang Cebuana Lhuillier playoffs ng PBA Commissioner’s Cup at magpapatuloy sa May 8 sa pamamagitan ng doubleheader ng semifinals kung saan gaganapin ang parehong Game 3 ng dala-wang best-of-five sa Smart Araneta Coliseum.
Sa Biyernes sa Sports, Cultural at Business Center ng Davao del Sur gaganapin ang Obstacle Challenge, Three-Point Shootout at Slamdunk contests simula sa alas-5:00 ng hapon na susundan ng laro ng Greats kontra Stalwarts.